Rapist ng dalagita, arestado

BULACAN, Philippines - Kalaboso ang binagsakan ng 50-anyos na mister maapos arestuhin ng pulisya sa kasong pang­hahalay sa 14-anyos na dalagita sa Barangay Kaypian sa San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng hapon. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Marcelino Fronda, tubong Pangasinan at nakatira sa nabanggit na barangay. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Reniel Valones, naganap ang krimen sa loob ng bahay ng biktima kung saan naiwan ng kanyang mga magulang. Kaagad na tumakas ang suspek subalit nasakote ng pulisya matapos magsumbong ang nakatatandang utol ng biktima sa kanilang mga magulang.

Show comments