Alahero dinedo ng holdaper

MANILA, Philippines - Napatay ang 43-anyos na alahero matapos manlaban at barilin ng isa sa mga holdaper ng jewelry store sa Kaimo Street sa Surigao City, Surigao Del Norte noong Sabado ng umaga. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Eleazar Dela Torre ng Barangay Taft at repairman sa Pariñas Jewelry Store. Nabatid na pumasok sa jewelry store ang mga suspek na nagkunwaring customer bago nagdeklara ng holdap. Dinisarmahan ang security guard subalit nanlaban naman ang biktima kaya niratrat. Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang mga holdaper tangay ang hindi nabatid na halaga ng alahas.

Show comments