Konsehal todas sa ambush

BATANGAS, Philippines  – Napaslang ang 42-anyos na barangay councilor matapos pagbabarilin ng di-kilalang kalalakihan sa bahagi ng Ebora Road sa Barangay Kumintang Ibba sa Batangas City, Batangas kahapon ng umaga. Isinugod pa sa Batangas Regional Hospital subalit idineklarang patay si Councilor Enrico Andal, negosyante at nakatira sa nabanggit na barangay. Ayon sa police report, bandang alas-6:30 ng gabi habang nagmomotorsiklo ang biktima nang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

Show comments