Remittance center uli hinoldap

BULACAN , Philippines  - Muli na namang hinoldap ang sangay ng LBC remittance center kung saan tinangay ang malaking halaga kahapon ng tanghali sa Barangay Biñang 2nd sa bayan ng Bocaue, Bulacan. Ayon kay PO2 Ricky Baluyot, nagpaalam ang isa sa kawani ng nasabing remittance center sa kanyang kasamahang si Mary Anne Buenaventura para bumili ng pananghalian subalit sinalisihan naman sila ng isang di-kilalang armadong lalaki. Dito nagdeklara ng holdap ang di-kilalang lalaki habang ang isa sa kasamang holdaper ay nagsilbing lookout bago tinangay ang malaking halaga. Tugis naman ng pulisya ang dalawang holdaper na nakita sa cctv camera ng nabanggit na remittance center.

Show comments