Trader pinabulagta ng tandem

KIDAPAWAN CITY , Philippines – Isa namang negosyante ang iniulat na napaslang matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem sa panulukan ng Lapu-Lapu Street at highway sa Poblacion, Kabacan, North Cotabato kahapon ng umaga. Tatlong bala ng baril sa dibdib ang tumapos sa buhay ni Felomino Albutra, 51. Si Albutra ay ika-16 na negosyanteng napaslang sa bayan ng Kabacan simula noong Hulyo 2012. Base sa police report, nagmomotorsiklo ang biktima nang sabayan at ratratin ng tandem. Dalawang anggulo ang sinisilip ng pulisya sa pagpaslang sa biktima.

Show comments