Minero todas sa kuryente

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines – Nasawi ang 32-anyos na minero matapos itong makuryente sa loob ng tunnel sa Sitio Gintong Araw, Barangay Panique sa bayan ng Aroroy, Masbate kamakalawa ng hapon. Bandang alas-2 ng hapon nang mapahawak sa talop na linya ng kuryente si Pancho Ruga habang naghuhukay sa loob ng tunnel na may 450 talampakang lalim. Nailabas naman ang bangkay ng biktima mula sa malalim na tunnel habang iniimbestigahan ang insidente.

Show comments