3 nilikida sa apartment

MANILA, Philippines - Hindi na nagising ang tatlo-katao matapos na ratratin ng mga ‘di-kilalang kalalakihan ang tinutuluyang apartment sa Lake Sebu, South Cotabato kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga nasawi na sina Melissa Fente, 32; Harold Sorella, 35; at si Jionie Ralla, 32. Sa ulat ni P/Senior Supt. Randolph Delfin na nakarating sa Camp Crame, natutulog ang mga biktima sa Sorella Apartment nang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril. Narekober naman ng pulisya ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang sinisilip naman ang anggulong clan war ang isa sa motibo sa krimen.

Show comments