Magsasaka patay sa kidlata

MANILA, Philippines - Matalim na kidlat ang tumapos sa buhay ng 25-anyos na magsasaka habang bumubuhos ang malakas na ulan sa bulubunduking lugar sa Barangay Taptap sa Cebu City, Cebu kamakalawa. Hindi na nagawa pang maisugod sa ospital sanhi ng grabeng pagkasunog ng katawan ng biktimang si Christopher Archua. Masuwerte namang hindi nadamay ang misis at anak ng biktima na ilang hakbang lang ang layo sa kinaroroonan nito. Ayon sa imbestigasyon, lumabas sa barung-barong ang biktima para magkape matapos itong magpahinga muna sa pagtratrabaho sa bukid nang biglang kumislap kung saan kasunod nito ang nagliliyab na katawan ng biktima.

Show comments