3 tulak tiklo sa drug bust

OLONGAPO CITY, Philippines – Tatlong kalalakihan na sinasabing notoryus na tulak-droga ang nadakma ng mga operatiba ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) sa inilatag na drug bust operation sa Barangay Asinan, Olongapo City kahapon Kinilala ni PDEA Special Agent William Dulay ang mga suspek na sina Joseph Dacillo, 21; Dale Allen Millano, 20; at si Richard Gallitos, 19. Nasamsam sa mga suspek ang 11-bloke ng pinatuyong dahon ng marijuana na tumitimbang ng 3-kilo. Ang mga suspek ay nagkakasunod na nadakma sa kanilang pinagkukutaan sa #1 Lindayag Street sa nabanggit na barangay kung saan naaktuhan pa sa pot session.

Show comments