Shootout: Most wanted tumba

STA. ROSA CITY, Laguna, Philippines - Napaslang ang sinasabing notoryos na most wanted person matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng pulis-Cabuyao at Sta. Rosa sa Barangay Macabling sa Sta. Rosa City, Laguna kamakalawa. Kinilala ng napaslang na si Luminado de Mejer, aka “Bo­ying” na may mga kasong frustrated murder at illegal drug possession at nasa listahan ng pulisya bilang ika-3 most wanted person. Nabatid na sinalakay ng mga operatiba ng pulisya ang pinagkukutaan ni Mejer kung saan nasakote naman ito subalit nagpumilit na tumakas at nakipagbarilan kaya nauwi sa shootout.

Show comments