Bike vs bus: 2 todas

CAVITE, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi matapos na sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa kasalubong na company bus sa kahabaan ng Bacao EPZA diversion road sa Barangay Bacao 2 sa bayan ng General Trias, Cavite kahapon ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang dalawa na sina Jeron Eisma, 25, driver, ng Barangay San Rafael Road 1, Noveleta at ang backride nitong si Mark Albert Pineda, 23, factory worker, ng Purok 11 Barangay Bacao 2. Nasakote naman ang driver ng bus na si Edgardo Luyas, 42, ng Barangay Mulawin, Tanza, Cavite at driver ng Daewoo Bus (NMQ-145) na pag-aari ng Leisambah Multi-Purpose and Trans Service sa Kagawad Road Talanay Area, Batasan Hills Quezon City. Ayon kay PO2 Fruelan Manic, nag-overtake ang nasabing bus sa sinusundang sasakyan subalit nakasalubong ang motorsiklo ng dalawa.

Show comments