Maglola nilamon ng apoy

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Nilamon ng apoy ang maglola matapos makulong sa nasusunog na kubo sa bulubunduking bahagi ng Barangay Bulabog sa Sorsogon City, Sorsogon kamakalawa ng umaga. Nakilala ang maglolang sina Rosita Jamon, 75; biyuda at April Boy Ajedo, 9, pipi’t bingi. Sa ulat ng pulisya, magkatabing natutulog ang maglola nang sumiklab ang apoy sa loob ng kanilang kubo kung saan hindi na nakalabas at natupok bandang alas-11:46 ng umaga.

Show comments