QUEZON, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 38-anyos na mister na iniwan ng kanyang misis matapos itong magbigti sa kisame ng kanilang bahay sa Barangay Sto. Cristo sa bayan ng Sariaya, Quezon kamakalawa ng madaling-araw. Ayon kay PO3 Pedrito Mendoza, dakong alas-4 ng madaling araw nang natuklasan ng kanyang mga kaanak na nakabitin sa kisame ng kusina ang biktimang si Bernie Umali na isang karpintero. Bago ang pagpapatiwakal ay nakipag-inuman muna ang biktima sa kanyang mga kapitbahay kung saan naikuwento nito na masyado siyang nalungkot dahil sa pakikipaghiwalay ng asawa. Kinumbinse naman ito ng kanyang mga kaibigan na lakasan ang loob at makakakita pa ito ng makakasama sa buhay subalit iginiit nito na magpapakamatay na lamang siya.