Kasador ng sabungan, itinumba

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Isang kasador ng sabungan ang iniulat na napaslang matapos barilin ng di-kilalang lalaki habang hinihintay ang pulutang inihanda ng kanyang kainuman sa Barangay Oscariz sa bayan ng Ramon, Isabela kamakalawa. Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nakaupo ang biktimang si Reynaldo Aquino habang hinihintay ang espesyal na pulutan nang lapitan at barilin sa kili-kili. Naliligo sa sariling dugo at nakahandusay na ang biktima nang abutan ng kaibigan na bitbit ang kanyang espesyal na putahe.

Show comments