Ama pinabulagta ng anak

MANILA, Philippines - Hindi na iginalang ang pagiging magulang ng 55-anyos na ama matapos saksakin at mapatay ng sariling anak dahil sa matinding pagtatalo sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Cansayong sa bayan ng Malimono, Surigao del Norte kamakalawa ng gabi.

Napuruhan sa kanang bahagi ng katawan ang biktimang si Floro Estapia habang sumuko naman sa pulisya at nahaharap sa kasong parricide ang suspek na si Joel Estapia, 25, may asawa at kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang krimen sa loob ng tahanan ng matandang Estapia dakong alas-10:30 ng gabi.

Nabatid na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-ama dahil sa alitang personal hanggang sa mapikon ang suspek.

Dito na kumuha ng pata­lim ang suspek bago itinarak sa katawan ng kanyang ama.

Sumuko naman sa pulisya ang suspek kung saan narekober sa crime scene ang duguang kutsilyo na ginamit sa krimen.

Show comments