Driver dinedo sa suntok

CAVITE, Philippines  – Pinatay sa suntok ang 36-anyos na drayber ng pampasaherong jeepney ng dalawang dispatcher matapos makipagtalo sa paradahan ng sasakyan sa Barangay Sampaloc, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Nasawi habang ginagamot sa Asia Medic Hospital ang biktimang si Ian Glenn Laurea ng Block 15, Lot 5, Phase 8, Parklane Subdivision sa Barangay Sabang. Sumuko naman ang dalawang suspek na sina Roger Medel, 49, ng Riverside Barangay Sampaloc 1 at Josei Reduccion, 32, ng Block 18, Lot 6, Phase 6, Barangay Banaba, Bulihan sa bayan ng Silang, Cavite. Sa imbestigasyon ni PO2 Rezento Bamachea, nagkainitan ang biktima at dalawang suspek kaugnay sa patakaran ng paradahan. Nagkasigawan ang mga ito hanggang sa magkapikon kaya pinagtulungang suntukin ng mga suspek ang biktima.

Show comments