Boom spray ng DOLE sinunog ng NPA rebs

Manila, Philippines -  Muli na namang naghasik ng bangis ang mga rebeldeng New People’s Army makaraang sunugin ang multi-milyong boom spray na sasakyan ng DOLE Stanfilco sa bayan ng Makilala, North Cotabato kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng Army’s 6th Infantry Division, bandang alas- 2:30 ng madaling-araw nang lumusob ang armadong rebelde sa compound ng DOLE Stanfilco sa Barangay Kisante.

Walang nagawa ang mga bantay at kawani sa nasabing compound sa matinding takot sa mga armadong rebelde.

Agad na binuhusan ng gasolina ang multi-milyong boom spray vehicle ng DOLE Stanfilco saka sinilaban.

Bago tuluyang nagsitakas ay pinaputukan din ng mga rebelde ang iba pang sasakyan na nakaparada sa naturang compound.

Lumilitaw na bago maganap ang insidente ay nakatanggap ng extortion demand letter ang pangasiwaan ng DOLE Stanfilco mula sa mga rebelde.

Show comments