Food center pinasabog

MANILA, Philippines - Niyanig ng malakas na pagsabog ang food center matapos sumabog ang bomba na itinanim ng dalawang di-kilalang lalaki na sinasa­bing miyembro ng bandidong Abu Sayyaf sa Isabela City, Basilan kamakalawa ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, inilagay ang improvised explosive device (IED) sa entrance ng JJ Twins Food Center kung saan bandang alas-7:45 ng gabi  nang sumabog.

Sinabi ni P/Supt. Allan Nazaro, director ng Isabela City PNP, wala namang nasawi o nasugatan sa pagsabog pero lumikha ito ng matinding tensyon sa mga kustomer ng food center at ilang kalapit na establisyemento.

Base sa imbestigas­yon, 10-minuto bago su­mabog ang bomba, may namataang dalawang lalaki na nag-iwan ng bag bago sumakay sa motorsiklo.

Narekober naman sa blast site ang ilang piraso ng cellp hone, metal pellets, 1-inch ng pako at iba pa na sinasabing bahagi ng IED. 

Show comments