Mag-utol todas sa kidlat

TUGUEGARAO CITY, Philippines  – Kamatayan ang sumalubong sa mag-utol na babae habang tatlong iba pa ang malubhang nasugatan matapos tamaan ng matalim na kidlat sa bayba­ying dagat sa bayan ng Sto. Tomas, La Union kamakalawa. Kinilala ang magkapatid na sina Jona Lagao, 21; at Jessica Lagao, 19, kapwa nakatira sa Barangay Baybay sa nabanggit na bayan. Naisugod naman sa Union Medical Center sa bayan ng Agoo ang mga sugatang sina Marvin Cacayuran, 19; Vincent Cacayuran, 19; at si Edward Estacio, 15.  Ayon kay PO2 Henry Garcia, lulan ng bangka ang mga biktimang ma­ngingisda nang tamaan ng kidlat. Napag-alamang tumilapon ang mga biktima sa lakas ng kidlat at agad na namatay ang magkapatid.

Show comments