P1-M marijuana nasamsam

BAGIUO CITY, Philippines - Tinatayang aabot sa P1 milyong halaga ng marijuana ang nasamsam ng mga operatiba ng pulisya sa sinalakay na tatlong plantasyon sa Sito Batu, Barangay Tulludan sa bayan ng Tinoc, Ifugao noong Lunes. Sa ulat ni P/Chief Inspector Arvin Fabro, aabot sa 800 fully grown marijuana plants ang nadiskubre sa unang plantasyon habang 400 marijuana seedlings naman ang nasamsam na sinasabing may street value na P 176,000. Aabot naman sa 1,800 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P360,000 ang binunot sa ikalawang plantasyon. Samantala, may 4,000 fully grown marijuana plants naman nagkakahalaga ng P.8 milyon ang nasamsam sa ikatlong plantasyon. Sa tala ng pulisya, may kabuuang 6,600 punong marijuana at 400 seedlings ang nasamsam na may halagang P1,330,000.

Show comments