5-anyos ni-rape ng 2 tinedyer

CEBU CITY, Philippines – Dalawang tinedyer na may edad 14 at 16 ang dinakma ng pulisya sa bahagi ng Lapu-Lapu City, Cebu matapos ireklamo ng kasong panghahalay laban sa 5-anyos na babae sa Barangay Looc sa nabanggit na lungsod. Kasalukuyang nasa custody ng Lapu-Lapu City Social Welfare Office, ang dalawang suspek na sinasabing umamin naman sa nagawang krimen. Sa inisyal na imbestigasyon, nagreklamo sa pulisya ang ina ng biktima matapos mapuna nito ang kanyang anak na hindi pangkaraniwan ang sinasabi na dapat ay hindi marinig sa katulad nitong bata. Ma­ging ang maselang bahagai ng katawan ng bata ay napuna ng kanyang ina kaya ipinasuri kaagad sa doktor kung saan lumilitaw na may palatandaang hinalay nga. Freeman News Service

Show comments