Bike vs bike: guro todas, 3 sugatan

CAMARINES NORTE, Philippines - Nasawi ang 36-anyos na guro habang tatlong iba pa ang na­sugatan makaraang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Barangay Tagontong sa bayan ng Goa, Camarines Sur kamakalawa ng hapon. Nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang guro na si Allen Amata ng Aroro Elementary school. Samantala, naisugod naman sa Goa Municipal infirmary ang tatlong sugatang sina Arsenio Suki, 19; Joel Ca­rido at isang nagngangalang Jonalyn. Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya, nagkasalubong ang dalawang motorisklo na lulan ang mga biktima na sinasabing hindi nagbigayan sa kalsada.

Show comments