Stude bigo sa pag-ibig, nagbigti

LUCENA CITY, Quezon, Philippines  - Dinibdib ng 19-anyos na estudyante ang pakikipagkalas ng kanyang syota kaya nagpasyang magbigti sa loob ng kaniyang kuwarto sa Purok San Francisco, Barangay Ibabang Dupay sa Lucena City, Quezon kamakalawa ng hapon. Ayon kay PO3 Jeff Tamaray, dakong alas-2 ng hapon nang nagkagulo sa loob ng bahay ng bikimang si John James Riso Pavon matapos itong makitang nakabitin sa loob ng kuwarto. Nabasa ng mga kaanak ng biktima ang suicide messages nito sa kanyang cell phone kung saan nakasaad na hindi na niya kaya ang kalungkutan dahil sa ginawang pakikipagkalas ng kasintahan kaya winakasan na nito ang buhay.

Show comments