MANILA, Philippines - Nagwakas ang mahabang pagtatago sa batas ng pangunahing suspek sa pagpatay sa radio brodkaster noong 2011 matapos itong masakote ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group sa Barangay Tinungan sa bayan ng Isabela, Negros Occidental kahapon ng umaga.
Dakong alas- 6 ng umaga nang maaresto ang suspek na si Noel Guimeroy, 47, sinasabing responsable sa pamamaslang sa brodkaster na si Neil “Lito” Jimena sa bayan ng E.B. Magalona, Negros Occidental noong Agosto 22, 2011.
Samantala, apat pang wanted na may kaso namang murder at illegal possession of firearm sa Agusan del Sur ang naaresto ng mga tauhan ng CIDG kamakalawa.
Kinilala ang mga ito na sina Ryan Opema, Berhedo Opena na kapwa minero sa San France, Agusan del Sur at kapwa may kasong murder.
Habang sina Pelegrino Pedrosa (iligal na baril/granada) at Ronnie Mendoza (murder) ay naaresto rin.