CAMARINES NORTE, Philippines – Kahit sa kasagsagan ng ulan ay dalawa-katao kabilang ang chairwoman ang pinagbabaril at napatay ng riding-in-tandem sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Anameam, Labo sa Camarines Norte kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni PO3 Glenn Aguitong ng Public Community Relation Officer ng Labo PNP, ang mga napaslang na sina Chairwoman Merly Bermas, 45; at Gerard Oreza, 4, kapwa nakatira sa Barangay Malaya.
Base sa police report, lulan ng motorsiklong may hauler ni Ernesto Biones Jr. ang dalawa nang ratratin.
May teorya ang pulisya na si Bermas ang tunay na puntirya ng gunman kaya lang nadamay ang bata habang patuloy naman ang pagsisiyasat.