Bangka lumubog: 2 nasagip

SAN FELIPE, Zambales, Philippines - Dalawang mangingisda ang nasagip ng rescue team ng Phil. Navy matapos lumubog ang kanilang bangka sa karagatan ng Zambales noong Sabado. Sa ulat ni P/Senior Insp. Randy Mendoza, hepe ng San Felipe PNP, kinilala ang dalawa na sina Roberto Billo at Jerry Crisolo kapwa nakatira sa bayan ng Subic, Zambales. Nabatid na pumalaot ang dalawa na lulan ng M/B Boyet Jr. kung saan inabot ng unos noong Sabado ng umaga. Nawawala naman ang tatlong kasamahang mangingisda ng dalawa na kasalukuyang pinaghahanap ng rescue team.

Show comments