Misis kumalas sa lover, sinaksak

BULACAN, Philippines - Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang 46-anyos na misis matapos itong saksakin ng kanyang lover na tumanggi sa pakikipagkalas sa Barangay Gaya-Gaya sa San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Nilda Clavito sa nabanggit na barangay habang naaresto naman ng pulisya ang suspek na si Urbesio Taneo, 47, ng Phase 3-B, Camarin, Caloocan City. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Reniel Valones, lumilitaw na sumugod sa bahay ng biktima ang suspek kaugnay sa pakikipagkalas ng babae. Dito kinompronta ng suspek ang biktima na nauwi sa pananaksak. Nabatid sa ulat ng pulisya na nagkasakit ang biktima at ang suspek ang tumayong tagapag-alaga hanggang sa mabuo ang kanilang relasyon. Gayon pa man, napagtanto ng biktima na kumalas na sa suspek subalit tinanggihan ito hanggang sa maganap ang pananaksak.

Show comments