Mister nagbigti dahil sa ka-live-in

CAMARINES NORTE, Philippines – Pinaniniwalaang may problema sa ka-live-in kaya nagbigti ang 23-anyos na mister sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Pamukid sa bayan ng San Fernando, Camarines Sur kamakalawa ng umaga. Kinilala ang biktima na si John Joseph Reyes, tubong Brgy. Marupit, Camaligan, Camarines Sur. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na may ilang araw  na ring namataan ang biktima na aburido sa buhay at madalas na nakita ng ilang kapitbahay na nakatulala dahil sa sinasabing inabandona ng kanyang ka-live-in.

Show comments