Bata lunod sa palaisdaan

NUEVA ECIJA, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa 11-anyos na totoy na sinasabing nanghuhuli ng talangka sa palayan matapos itong malunod sa palaisdaan sa Barangay Cabawangan sa bayan ng Nampicuan, Nueva Ecija noong Miyerkules ng hapon. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Walter Castillejos, Nueva Ecija PNP director, nakilala ang biktima na si Christian Palelio, Grade 6 pupil at nakatira sa nabanggit na barangay. Napag-alamang nagkayayaan ang biktima at apat na kaklase na manghuli ng talangka sa palayan hanggang sa magkakasabay na maligo sa palaisdaan. Napatapak sa mala-kumunoy na putikan ang biktima kaya hindi na nakalangoy at tuluyang nalunod. Tumagal ng isang oras bago nakuha ng rescue team ang biktima kung saan idineklarang patay sa Nampicuan Rural Health Clinic.

Show comments