5-anyos ni-rape ng senglot

ZAMBALES , Philippines – Maagang napariwara ng 5-anyos na batang babae matapos itong halayin ng senglot sa dalampasigan sa Barangay Calapandayan sa bayan ng Subic, Zambales kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni P/Chief Insp. Jelson Dayupay, hepe ng Subic PNP, arestado ang suspek na si Alex Rubio, 42, tubong-Zamboanga at nakatira sa Barangay Maparing, Dinalupihan, Bataan. Ayon sa pulisya, ang suspek ay kainuman ng lolo ng biktima sa Balaybay Resettlement Area, Castillejos, Zambales. Nadiskubre ang krimen matapos na magsumbong ang biktima sa kanyang lolo.

Show comments