Bangkay ng dalaga, natagpuan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Natagpuan ang bangkay ng isang 20 anyos na dalaga na tadtad ng mga saksak habang lumulutang sa karagatan ng Brgy. Siramag, Balatan, Camarines Sur kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Mary Grace Capindet, residente ng Masbate St. ng naturang bayan.

Batay sa inisyal ng ulat ng pulisya ang bangkay ng biktima ay natagpuan dakong alas-7:30 ng umaga na nakalutang sa dagat at tadtad ng tama ng saksak sa katawan sa dalampasigan.

Nabatid na huling nakitang buhay ang biktima sa fishport ng naturang lugar na may kasamang hindi nakikilalang lalaki na hinihinalang suspek sa naturang krimen at itinapon ang bangkay nito matapos na mapatay. Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa kasong ito.

Show comments