Mag-utol inararo ng trak

CAVITE, Philippines – Pisak ang 11-anyos na batang babae habang kritikal naman ang utol nito matapos na mahagip ng trak habang tumatawid sa Pala-Pala Road sa Barangay Sampaloc 1, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Jennyca Bunag habang malubhang naisugod sa Asian Medic Hospital si Jamby Bunag, 9, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Kalaboso naman driver ng trak na si Efren Fabros, 53, ng Barangay Polo sa bayan ng Cabuyao, Laguna. Sa ulat ni PO2 Jesus Bae, lumilitaw na magkahawak ng kamay ang mag-utol na tumatawid nang mahagip ng trailer truck (RHT 194).

Show comments