15 estudyanteng babae sinapian

CEBU CITY, Philippines  – Aabot sa 15 estudyanteng babae na nagsasanay ng sayaw ang sinapian ng masamang espiritu sa loob ng school campus sa Barangay Buanoy sa bayan ng Balamban, Cebu kamakalawa ng umaga.

Sa ulat ni PO2 Hannibal Larida, ang insidente ay naganap sa campus ng Buanoy National High School noong Huwebes ng gabi kung saan nawalan ng malay-tao ang mga estudyante.

Ilang oras ang nakalipas ay nagising ang mga biktima maliban sa isang 3rd year student na kinailangan dalhin sa Balamban Provincial Hospital.

Nabatid din kay Larida na isa mga estudyante ang nagsisigaw kung saan may maliliit na nilalang ang nag-uutos na wasakin ang palikuran ng eskuwelahan dahil may mga inilibing na bata roon.

Humingi ng tulong ang pamunuan ng nasabing eskuwelahan sa parish priest subalit may pinuntahan daw.

Ayon pa man nakipag-ugnayan na sila sa isang religious group para ipanalangin ang mga estudyante subalit hindi naman nakatulong.

Ayon sa isang guro, may isang estudyante na nag­ngangalang Arlene ang biglaang namatay sa hindi nabatid na dahilan.

May nagsasabing naistorbo ng mga estudyante ang maliliit na nilalang na namamahay sa santol tree sa likuran ng nasa­bing school kaya gumanti lamang ito.

Hindi naman nagbigay ng komento ang principal ng school na si Ismael Borgonia.

Show comments