P45-M smuggled rice nasabat

OLONGAPO CITY, Philippines - Umaabot sa P45 milyon halaga ng imported smuggled rice mula sa Vietnam ang nasamsam ng Bureau of Customs sa Subic Bay International terminal noong Biyernes (Hulyo 13), ayon sa ulat kahapon. Sa ulat na nakarating kay Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon, ang kontrabando na nakalulan sa 90 container vans na may lamang 45,000 sako ng bigas ay idinaong ng barkong M/V Freantle mula sa Vietnam. Pormal naman kakasuhan ng BOC ang consignee na Oriental Tradelink Express Inc. kung saan ay naunang isinailalim sa surveillance bago ibaba ang alert status.

Show comments