Pulis-Tagaytay itinumba

CAVITE, Philippines  — Pinaniniwalaang may nasagasaang grupo ng sindikato kaya pinagbabaril at napatay ang 31-anyos na pulis-Tagaytay ng riding-in-tandem sa bahagi ng Barangay Molino 3 sa Bacoor City, Cavite kahapon ng umaga. Nasawi habang ginagamot sa Dela Salle University Medical Center ang biktimang si PO1 Rafael Bacu­lao, may-asawa, at nakatira sa Fortune St., Marcos Alvarez Extension ng nasabing lungsod. Sa imbestigasyon ni PO2 Michael Legaspi Jr., naglalakad ang biktima sa bisinidad ng Gardenia Valley para mag-duty nang lapitan at ratratin ng tandem bandang alas-5:50 ng umaga. Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng cal.45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments