Nene hinalay ng kapwa estudyante

MEYCAUAYAN CITY, Bulacan, Philippines – Arestado ang isang 2nd year high school makaraang ireklamo ng panggagahasa ng kapwa estudyante. Kinilala ni P/Supt.Hector Samar ang biktima na itinago sa pangalang Lotlot 13 -anyos, ng Brgy. Bancal habang kasalukuyan namang nakadetine ang suspek na si Jorenz Lorenzo, 19, residente naman ng Brgy. Longos pawang sa siyudad na ito. Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong ala- 1:00 ng hapon habang papalabas ng Bancal National High School ang suspek ay bigla itong nilapitan ng biktima saka pinakiusapang bigyan siya ng gate pass ng naturang paaralan upang ibigay naman sa kanyang kaklase ding babae na ibig mag-cutting class. Dahil sa walang reserbang gatepass ang suspek ay sinabihan na lamang ang biktima na sumama sa kanyang bahay upang doon ibigay ang hinihingi at pagpasok sa loob ng kuwarto nito ay agad siyang hinubaran saka ginahasa at nang matapos ay pinagbantaan pa ito na huwag ipagsasabi sa iba ang nangyari. Sa tulong ng kanyang kaklaseng babae ay agad na isinumbong ng biktima sa kanyang ama ang pangyayari saka nagpunta sa himpilan ng pulisya upang magreklamo at agad ding pinuntahan ang bahay ng suspek na nagresulta sa pagkakaaresto nito.

Show comments