Cafgu nalibing sa firing range

MANILA, Philippines - Nalibing nang buhay sa  firing range ang isang miyembro ng CAFGU Active Auxiliary matapos ang landslide sa kampo ng militar sa Barangay Semba sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao kahapon ng umaga.

Kinilala ni Col. Prudencio Asto,chief ng Public Affairs Office ng Army’s 6th Infantry Division ang nasawing biktima na si CAA Norman Garcia.

Nabatid na inihahanda ng isang squad ng CAA na pawang estudyante ng CAA Refresher Training Course 37-2012 ang firing range para sa kanilang pagsasanay.

Ang biktima ay kabilang sa mga sundalong naglilinis sa sa bahagi ng firing range sa himpilan ng Army’s 38th Infantry Battalion matapos na naapektuhan ng naunang landslide. 

Gayon pa man, muling gumuho ang lupa na tumabon sa biktima samantalang masuwerte namang nakatakbo ang tatlo pa na kaniyang kasamahan.

Agad inilatag ang rescue operation na bagaman nagawang naiahon ang biktima at maisugod sa ospital ay binawian ito ng buhay.

Show comments