Anak nagbigti dahil sa ina

BAYOMBONG, Nueva Viscaya – Kasalukuyang sumasailalim sa imbestigasyon ng Women’s and Children’s Desk ng pulisya ang 50-anyos na ina na sinasabing naging ugat kaya nagbigti ang kanyang anak dahil sa pagmamalupit nito sa Barangay Darapidap sa bayan ng Aritao, Nueva Vizcaya kamakalawa. Kinilala ni PO2 Jane Panis, hepe ng WCD, ang biktimang estudyante sa kolehiyo na si Eduardo Acosta III. Nabatid na lubhang dinamdam ng biktima ang pagmamaltrato sa kanya ng sariling ina kahit sa puntong nasa kalagayan na siya ng pagbibinata at natututo nang manligaw. Ayon sa ilang kapitbahay, pinagbubuhatan ng kamay ng sariling ina ang biktima sa kanyang pagtatrabaho sa kanilang bukirin.

Show comments