Magkalaguyo naaktuhan sa sex, dinedo

TUGUEGARAO CITY, Philippines  – Hindi na nagkahiwalay sa pagtatalik sa ibabaw ng kama ang magkalaguyo makaraang ratratin hanggang sa mapatay ng di-kilalang lalaki sa loob ng bahay sa Sitio Disingit, Barangay Gangalan sa bayan ng San Mariano, Isabela kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Supt. Vicente Valdez, tagapagsalita ng Isabela PNP Office ang mga biktima na sina Buenaventura Ancheta, negosyante ng palay, ng Barangay Zone One at Edarlina Rugay, may-ari ng restaurant sa harap ng bodega na pag-aari ng kanyang kalaguyo, ng Barangay Gangalan sa bayan ng San Mariano.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na kapwa may asawa ang magkalaguyo at sinasabing naaktuhan ng mister ng babae na nagtatalik sa kanilang bahay.

Ayon sa ulat, nakabonet pa ang gunman kung saan tumakas patungong kagubatan na pinaniniwalaang may balak sumapi sa mga armadong grupo sa kabundukan ng Sierra Madre.

Show comments