Swiss niratrat ng tandem

MANILA, Philippines - Agaw-buhay ngayon ang turistang Swiso matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem sa bahagi ng Puerto Princesa City, Palawan kamakalawa ng gabi. Tatlong tama ng bala sa katawan ang tumama kay Daniel Gubler na isinasalba ngayon ang buhay sa Adventist Hospital. Sa inisyal na ulat ng pulisya, lumilitaw na naganap ang krimen sa kahabaan ng Liberty Street dakong alas-11 ng gabi. Naka-helmet ang tandem kaya hindi namukhaan ng mga testigo saka pinagbabaril ang biktima na sinasabing matagal na umanong naninirahan sa nabanggit na siyudad. Patuloy naman ang imbestigasyon sa tunay na motibo ng pamamaril.

Show comments