5 dakma sa 305 kilong botcha

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng lima-katao matapos makumpiskahan ng 305 kilong botcha sa Barangay Ibayo sa bayan ng Marilao, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Bienvenido Barosa, 42, drayber; Dalia Barata, 60; Michael Palce, 32; Eden Palce, 30; at si Noli Dialino, 35, pawang mga nakatira sa Barangay Bunsuran 3rd sa bayan ng Pandi, Bulacan. Sa police report na nakarating kay P/Supt.Gerardo Andaya, ang mga suspek na lulan ng Tamaraw XLT (CMP660) na may lulang kilu-kilong botcha na dadalhin sana sa Metro Manila ay nasabat sa checkpoint ng pulisya.

Show comments