Trader tinodas ng holdaper

MANILA, Philippines - Isa na namang negosyanteng Tsino ang iniulat na napatay matapos pagbabarilin nang pumalag sa mga armadong holdaper na magkaangkas sa motorsiklo sa kahabaan ng Tomas Claudio Street sa Brgy. Zone III, Zamboanga City kamaka­lawa ng gabi. Kinilala ang biktima na  si Miao  Rong Shi, 50, pansamantalang naninirahan sa GHL Jose Go Huilo Buliding. Si Shi ay may-ari ng ilang establisyemento at miyembro ng organisasyon ng Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry (FCCCI) sa nasabing lungsod. Lumilitaw na papauwi na ang biktima nang sundan ng riding-in-tandem sa kaniyang tinitirhan sa harapan ng Barangay Hall. Mabilis na bumaba ang backrider at pilit na inaagaw ang bag ng biktima na may lamang pera, alahas at ilang cellphone. Gayunman, nanlaban ang biktima kaya binaril ito ng isa sa mga holdaper.

Show comments