5 dakma sa toneladang marmol

BULACAN, Philippines - Lima-katao na sinasabing tangkang magpuslit ng tone-toneladang marmol ang dinakma ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Bulacan kamakalawa. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Reynato Sumaway ng Brgy. Alagao, San Ildefonso; Romulo Ocampo ng Brgy. Sto Cristo, Angat; Rommel Borrega ng Brgy. Alagao, San Ildefonso; Elmer Peñan ng Brgy.Tukod, San Rafael; at si Mark Gil Renoria ng Brgy. Pinagtulayan, San Ildefonso. Ang mga suspek na lulan ng dalawang trak na may lulang tone-toneladang marmol na walang kaukulang dokumento ay nasabat ng pulisya sa mga checkpoint sa Barangay Matimbubong sa bayan ng San Rafael, Bulacan.

Show comments