Trak, grader sinunog ng NPA

MANILA, Philippines - Muli na namang naghasik ng terorismo ang mga rebeldeng New People’s Army matapos na sunugin ang mga heavy equipment sa Barangay Zillovia, Talacogon sa Agusan del Sur kamaka­lawa.

Bandang alas-10 ng u­maga nang sumalakay ang mga rebelde sa Provident Tree Farms Inc. sa nasabing lugar. Lima sa mga armadong rebelde ang naunang pumasok sa nasabing farm habang ang iba pa ay pumaligid sa labas.

Walang nagawa ang mga kawani at trabahador sa nasabing farm dahil sa matin­ding takot sa mga armadong rebelde ng Guerilla Front 88 ng North Central Mindanao Regional Committee.

Agad binuhusan ng gasolina ng mga rebelde ang Saddam truck at grader hanggang sa tuluyang masunog. Nagbanta na muling sasalakay ang mga rebelde kapag patuloy na nagmatigas ang may-ari ng farm sa hinihinging revolutionary tax sa kilusan.

Show comments