Bunso tinodas ng kuya

QUEZON , Philippines – Napatay ang 23-anyos na magsasaka ng kanyang kuya matapos mapagkamalang magnanakaw sa bakuran ng kanilang bahay sa Barangay del Pilar sa bayan ng Lopez, Quezon kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Romnick Rosales, habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Rommel Rosales, 30, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Ayon kay SPO4 Raul Paraiso, nagising ang biktima dahil sa kaguluhan sa labas ng bahay.

Lumabas ang biktima na may bitbit na flashlight subalit sinalubong ito ng saksak ng kanyang kuyang si Rommel.

Nang bumulagta sa lupa ang biktima ay gayun na lamang ang pagtangis ng suspek nang makitang ang batang kapatid ang kanyang napatay sa halip na ang hinahabol na magnanakaw.

May teorya ang pulis­ya na dahil sa takot na makulong ay tumakas ang suspek.

Show comments