Mister nagselos kay misis, nagbigti

LUCENA CITY, Philippines - Dahil sa nadaramang selos nang may tingnang ibang lalaki ang kanyang misis, winakasan ng 57-anyos na mangingisda ang kanyang buhay matapos itong magbigti sa puno ng kamatsile sa Purok Pitong Gatang, Barangay Talao-talao sa Lucena City, Quezon kamakalawa ng umaga. Ayon kay PO2 Miljun Magadia, huling namataang buhay ang biktimang si Apolinario Reyes na nakikipag-inuman sa ilang kapitbahay. Naikuwento ng biktima sa kanyang mga kaibigan na may tinitignang ibang lalaki ang kanyang misis. Kumuha umano ito ng patalim at nagtangkang maglaslas ng pulso subalit napigilan ng mga kainuman kung saan kinaumagahan ay natagpuang nakabitin ang biktima.

Show comments