Newsman binoga sa van

CAVITE, Philippines - Sugatan ang 52-anyos na mamamahayag matapos na barilin ng pasaherong nakasabay nito sa loob ng van sa Bacoor, Cavite kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Manolo Pedralvez, 52, may-asawa, sports writer/editor ng Malaya Newspaper at nakatira sa Bahayang Pag-asa Subd. sa bayan ng Imus, Cavite.

Nahaharap naman sa kasong kriminal kung saan kasalukuyang tugis ng pulisya ang suspek na si Alejandro Bantog  De Guzman alias Ka Andring, 57, may-asawa da­ting OFW at nakatira naman sa Block 10 Lot 11, Apacible Street. Phase II-B, Bahayang Pag-asa sa Barangay Molino 4, Bacoor, Cavite.

Ayon sa police report, lulan ng pampasaherong van ang biktima at ang mag-asawang Bantog nang pumara sa tapat ng tindahan sa Barangay Molino 3.

Sa pagbaba ng suspek ay aksidenteng naipit ang kamay ng biktima ng extended na upuan kaya nagalit ang suspek.

Nauwi sa mainitang komprontasyon kung saan nagbunot ng baril ang suspek saka binoga sa hita ang biktima.

Samantala, napigilan naman ng pulisya ang asawa ng suspek kung saan nakikipagtulungan para masakote ang suspek na hindi naman nabatid kung lisensyado ang ginamit na baril.

Show comments