Bus hulog sa bangin:13 sugatan

MANILA, Philippines - Labintatlo-katao ang na­sugatan makaraang bumang­ga ang pampasaherong bus sa nadiskaril na truck  bago nahulog sa bangin sa Barangay Maligaya sa bayan ng Mariveles, Bataan noong Bi­yernes ng gabi.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Ruben Layug, 20; Mary Jane Zapanta, 33; Menandro Abalos, 29; Norlie Tolentino, 36; Ferdinand Tuyay, 35; Rommel Romasanta, 34; Joseph Benitez, 20; Joseph Gaupo, 20; Karyll Romasan­ta, 4; Glenda Romasanta, 40; Darren Romasanta, 17; Rosemarie Nugeria, 48; at ang driver na si Michael Villas, 33.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na sinalpok ng  Genesis Transit Bus (TVJ 877) na may 12 pasahero ang nadiskaril na truck sa gilid ng highway.

Nahulog ang bus sa may 10-15 metrong lalim na bangin sa gilid ng matarik na zigzag road  kung saan nasugatan ang mga biktima.

Isinugod naman sa Maheseco Hospital sina Jane Zapanta at Glenda Romasan­ta subalit inilipat sa Ba­langa General Hospital dahil sa maselang kalagayan habang si Ferdinand Tuyay naman ay inilipat sa St. Joseph Hospital.

Show comments