2 bata lunod sa dagat

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  – Kamatayan ang sumalubong sa dalawang bata matapos malunod sa dalampasigan sa Barangay Casabangan sa bayan ng Pio V Corpuz , Masbate, kamakalawa ng hapon. Bandang alas-3:30 ng hapon nang matagpuang nakalutang ang mga bangkay nina Andriana Jane Rosello at Esperiodio Contapay III, kapwa 3-anyos. Pinaniniwalaang nakalingat ang mga magulang ng dalawa kaya napadpad sa dalampasigan bago nalunod.

Show comments