Tatanggi sa forced evacuation, aarestuhin

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Maaring arestuhin ng pulisya ang mga residente na tatangging sumailalim sa forced evacuation sa mga mapanganib na situwasyon sa pananalasa ng Bagyong Dindo tulad ng flashflood at landslide. Ito ang inilatag na utos ni P/Chief Supt. Rodrigo De Gracia na maaaring kasuhan ng pulisya ang sinumang residente na magmamatigas na lumisan mula sa kani-kanilang tirahan kapag nanalasa ang kalamidad batay na rin sa paglabag sa Article 151 ng Revise Penal Code. Tungkuling ipatupad ng pulisya ang kautusan ng Disaster Risk Reduction Management Councils kaugnay sa pre-emptive evacuation upang maiwasan ang casualty sa pananalasa ng pagbaha at landslides na pangunahing epekto ng bagyo.

Show comments